Filipino Folk Song

Tuesday, October 03, 2006

Doon Po sa Amin

Doon po sa amin
Bayan ng San Roque,
May nagkatuwaang
Apat na pulubi

Sumayaw ang pilay,
Kumanta ang pipi,
Nanood ang bulag,
Nakinig ang bingi

Sitsiritsit, Alibangbang

Sitsirit, alibangbang
Salaginto't salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang!

Santo Nino sa Pandacan,
Puto seko sa tindahan,
Kung ayaw mong magpautang,
Uubusin ka ng langgam.

Mama, mama, namamangka,
Pasakayin yaring bata,
Pagdating sa Maynila,
Ipagpalit ng manika.

Ale, ale, namamayong,
Pasukubin yaring sanggol,
Pagdating sa Malabon,
Ipagpalit ng bagoong.

Leron Leron Sinta

Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba.

Gumising ka, Neneng,
Tayo'y manampalok,
Dalhin mo ang buslong
Sisidlan ng hinog.
Pagdating sa dulo'y
Lalamba-lambayog,

Kumapit ka, neneng,
Baka ka mahulog.
Ako'y ibigin mo't
Lalaking matapang,
Ang baril ko'y pito,
Ang sundang ko'y siyam
Ang sundang ko'y siyam
Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit
Ang aking kalaban.

Magtanim ay di Biro

Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko,
Di naman makaupo,
Di naman makatayo.

Halina, halina, mga kaliyag,
Tayo'y magsipag-unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas
Bisig ko'y namamanhid

Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.
Halina, halina...

Kay-pagkasawing-palad
Ng inianak sa hirap,
Ang bisig kung di iunat,
Di kumita ng pilak.
Halina, halina...

Paruparong Bukid

Paruparong bukid
Na lilipad-lipad

Sa gitna ng daa'y
Papaga-pagaspas

Sandangkal ang tapis
Sambara ang manggas

Ang sayang de-kola'y
Sampiyesa ang sayad

May payneta pa siya, uy!
May suklay pa mandin, uy!

Nagwas de ojetes
Ang palalabasin

Haharap sa altar, uy!
At mananalamin

At saka lalakad
Nang pakendeng-kendeng.

Bahay Kubo

Bahay kubo,
kahit munti
Ang halaman doon
ay sari-sari

Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani

Kundol, patola,
upo't kalabasa at
saka meron pang
Labanos, mustasa

Sibuyas, kamatis Bawang at
luya Sa paligid ligid
ay puno ng linga.